Friday, May 11, 2018

Himagsik Laban sa Mababang Uri ng Panitikan

Himagsik Laban sa Mababang Uri ng Panitikan
           ni Albin Alexis A. Cayanan ng 8-Tuburan
Ang ika-apat na himagsik ni Balagtas o ang himagsik o laban sa mababang uri ng panitikan ay tumutukoy sa kalagayan ng panitikan noon. Si Balagtas ay naghimagsik sa mababang uri ng panitikan sapagkat napapansin niya na ang mga akda noon ay pang- Kristiyanismo ang tema at hindi matalinhaga.
Si Balagtas ay naghimagsik dahil sa tema ng mga akda noon. Kung ang isang manunulat ay maglalathala ng kanyang gawa ay kailangan nitong dumaan sa Sensura.  Istrikto ang Sensura, hindi nila nilalathala ang mga gawang laban sa pamamahala ng Espanya. Ang agwat ng pananagalog at pagtula ni Fransisco Balagtas ang naging paraan niya upang mailathala ang Florante at Laura. Ang mga manunulat noon ay walang nangapagdaragisunang sulatin o tulain noon kundi mga nobena, loa, duplo, búhay ng mga santo, pasyon, sari-saring dasalan, padalahan (sulatan sa pag-ibig), paanyayang patula sa mga pistahan, sermon o platika, awit, korido, komedya, at ibá pang gangganito, na pawang pansimbahan (Santos, 2016). Ganito ang mga tema noon sapagkat ang mga akdang salungat sa pamahalaan ay hindi inilalathala.
Ang isang tula ay nangangailangan magtaglay ng apat na sangkap o katangian ng sukat ikaiba sa pagsasaysay ng tuluyan (prose). Ang mga sangkap na ito ay: tugma, súkat, talinghaga, at kasiningan (Santos, 2016). Ang tugma at sukat ay ang pinaka-importanteng bahagi ng tula at ang huling dalawa naman ay di gaano kailangan. Sa panahon noon ay mas namayani ang mga “manunugma” o ang mga tumutulang hindi tugma ang huling parte ng taludtod o hindi ayos ang sukat (Santos, 2016). Kakaiba rin ang Florante at Laura sapagkat ito’y nagsimula sa huling bahagi ng kuwento. Ang akdang Florante at Laura ay isa patunay na maaaring makasulat ng isang akdang pampanitikan laban sa pamamalakad ng pamahalaan.
Sa kasalukuyan, ang mga manunulat ay may kalayaan nang ipahayag ang kanilang opinyon sa mga pangyayari sa ating bansa o sa ano pang aspekto.

Sanggunian

Santos, L. K. (2016). Ang Apat na Himagsik ni Balagtas at Iba pang Sanaysay. Metro Manila: Komisyon sa Wikang Filipino.